Samantalahin ang Lakas ng AI gamit ang AI Producer Studio
AI Producer Studio AI Producer AB Sa pamamagitan ng paggamit ng AI Producer Studio (ang “Serbisyo”), sumasang-ayon ka sa mga sumusunod na tuntunin, na nagpapaliwanag kung paano pinatatakbo at pinangangasiwaan ng software ang data para maibigay ang mga serbisyo nito:
Akses sa Feed ng Kamera
Ang Serbisyo ay nangangailangan ng akses sa mga feed ng kamera na iyong ibinibigay. Ang mga feed na ito ay pinoproseso nang real time para maghatid ng mga functionality, kabilang ang paglikha ng virtual camera output.
Pagprosesong Pinapagana ng AI
Gumagamit ang software ng mga abanteng na teknolohiya ng artificial intelligence, kabilang ang pagkilala ng bagay at tao, para maisagawa ang mga tungkulin nito. Pinoproseso ng AI ang impormasyon sa bawat frame para masuri at mapahusay ang content ng video bago ito i-output sa isang virtual na kamera.
Output ng Virtual na Kamera
Ang naprosesong data ng video ay ginagamit para makabuo ng bagong video stream sa anyo ng output ng virtual na kamera. Ang output na ito ay sumasalamin sa mga resulta ng pagsusuri at pagprosesong pinapagana ng AI na isinagawa ng software.
Pag-iingat at Pagkapribado ng Data
Ang Serbisyo ay dinisenyo para tiyakin ang iyong pagkapribado at seguridad ng data: Lokal na Pagproseso Lang: Ang lahat ng data ng video at audio ay pinoproseso nang lokal sa iyong device. Hindi ipinapadala o iniimbak ng software ang data na ito sa mga panlabas na server.
- Pagsusuri Batay sa Frame: Gumagamit ang software ng mga indibidwal na frame para sa pagproseso. Kapag nakompleto na ang pagproseso, binubura ang mga frame na ito.
- Walang Pag-iimbak ng Video o Audio: Hindi kailanman nag-iimbak o nag-a-archive ang AI Producer AB ng anumang video o audio data mula sa mga feed ng iyong kamera.
Anonimisadong Transmisyon ng Data
Para matiyak ang wastong paggana ng software sa paglilisensiya, maaaring paminsan-minsang magpadala ang Serbisyo ng anonimisadong data sa mga server ng AI Producer AB. Ang data na ito ay:
- May kasamang impormasyong partikular sa device at impormasyong may kaugnayan sa paglilisensiya para sa mga layunin ng beripikasyon.
- Hindi kasama ang anumang impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan ng tao (PII), tulad ng mga pangalan, larawan, o iba pang sensitibong content.
- Ligtas na ipinapadala gamit lang para kumpirmahin ang pagsunod sa paglilisensiya at suportahan ang operasyon ng software.
Ang Iyong Pahintulot
Sa paggamit ng Serbisyo, kinukumpirma mong:
- Pinahihintukutan mo ang software na maakses ang mga feed ng iyong kamera at gamitin ang mga ito para lumikha ng virtual na output ng kamera.
- Kinikilala mo na ang Serbisyo ay nagpoproseso ng video at audio data nang lokal at hindi nag-iimbak o nagpapadala ng naturang data.
- Nauunawaan at tinatanggap mo na ang anonimisadong device at data ng paglilisensiya ay maaaring ipadala sa mga server ng AI Producer AB para lang sa mga layunin ng beripikasyon ng lisensiya.
Mga Karapatan sa Pag-aaring Intelektuwal
Binibigyan ka ng limitado, hindi eksklusibo, at maaaring bawiing lisensiya para gamitin ang Serbisyo gaya ng inilarawan sa loob ng produkto, maliban sa mga limitadong karapatan na hayagang ipinagkakaloob dito, lahat ng karapatan, titulo, at interes sa at sa content sa Serbisyo ay pagmamay-ari ng AI Producer AB. Bilang End-User, ikaw ang tanging may pananagutan sa content na ibinibigay mo sa Serbisyo at sa mga kahihinatnan ng paggamit ng naturang content. Kaugnay ng naturang content, ginagarantiyahan mo na pagmamay-ari mo o mayroon kang mga kinakailangang lisensiya para gamitin ang content na ibinibigay mo sa Serbisyo. Hindi ka dapat magbigay sa Serbisyo, bilang bahagi ng anumang naturang content, ng anumang materyal na saklaw ng karapatang-ari, protektadong trade secret o kung hindi man ay napapailalim sa mga karapatan sa pagmamay-ari ng third party, maliban kung ikaw ang may-ari ng mga naturang karapatan o may mga pahintulot mula sa nararapat na may-ari.
Mga Restriksiyon
Bilang End-User ikaw ang may pananagutan sa lahat ng iyong mga aktibidad at komunikasyon habang ginagamit ang Serbisyo. Dapat kang sumunod sa lahat ng batas, regulasyon, at kumbensiyon na naaangkop sa iyo kaugnay ng paggamit ng Serbisyo, pati na rin ang iba pang mga batas na may kaugnayan sa pagkapribado, publisidad, proteksiyon ng data, elektronikong komunikasyon, at naaangkop na batas laban sa spam. Sumasang-ayon kang hindi mo gagawin, at hindi mo rin pahihintulutan ang iba na:
- Ilagay sa alanganin ang seguridad ng Serbisyo;
- Mapinsala o gawing hindi magamit ang anumang bahagi ng Serbisyo;
- Ipaupa, ipamahagi, ilisensiya, magbenta o kung hindi man ay komersiyal na pagsamantalahan ang Serbisyo o
- Ipagamit ang Serbisyo sa isang third party maliban sa nakasaad sa Kasunduang ito;
- Magpahayag ng anumang mensahe o materyal na nakakapinsala sa mga menor de edad, malaswa o bumubuo ng pornograpiya;
- Magpahayag ng anumang mensahe o materyal na lumalabag sa mga karapatan sa pag-aaring intelektuwal ng isang third party o labag sa batas, o magdudulot ng pananagutang sibil;
- Magpahayag ng anumang mensahe o materyal na bumubuo o naghihikayat ng pag-uugali na maaaring magsilbing isang kriminal na pagkakasala sa ilalim ng mga naaangkop na batas o regulasyon.
Limitasyon
Ang AI Producer AB ay hindi tumatanggap ng anumang uri ng pananagutan, legal man o pinansiyal, para sa pagkalugi (direkta o hindi direkta) na dulot ng pag-asa sa o paggamit ng Serbisyo o ng data nito.
Mga Amyenda sa Kasunduang ito
Ang AI Producer AB ay may karapatan, sa sarili nitong pagpapasiya, na baguhin o palitan ang Kasunduang ito anumang oras. Kung mahalaga ang isang rebisyon, magbibigay kami nang hindi bababa sa 30 araw na abiso bago magkabisa ang anumang mga bagong tuntunin. Ang magiging mahalagang pagbabago ay aming pagpapasiyahan. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga tuntuning ito, itigil agad ang paggamit ng software. Huling na-update: Pebrero 2026